-- Advertisements --
Pumanaw na ang kilalang Filipino baritone singer na si Andrew Fernando sa edad 52.
Kinumpirma ng kanilang kaanak na noon pang Agosto 23 ito pumanaw at naicremate lamang nitong Agosto 31.
Hindi naman binanggit ng kampo nito ang sanhi ng kamatayan ni Fernando.
Taong 2003 ng maging first-prize winner siya sa Loren L. Zachary National Vocal Competition sa US at nagwagi siya ng grand prize sa 2004 Pasadena Opera Guild Vocal Competition.
Nagtanghal si Fernando sa iba’t-ibang opera concerts ng iba’t-ibang bansa.
Nagpost naman ng kani-kanilang pakikiramay at kalungkutan ng mabalitaan ang pagpanaw ni Fernando.