-- Advertisements --

Kasama si Filipino basketball legend Carlos “Caloy” Loyzaga na gagawaran sa 2023 Class of FIBA Hall of Fame.

Gaganapin ang induction sa Agosto 23 sa Manila ilang araw bago ang 2023 FIBA World Cup kung saan magiging host ang Pilipinas, Japan at Indonesia mula Agosto 25 hanggang Setyembre 10.

Si Loyzaga na pumanaw noong Enero 2016 ay sikat na basketbolista sa panahon niya.

Naging three-time champion ang koponan nitong San Beda University ng tatlong beses sa NCAA mula 1951, 1952 at 1955.

-- Advertisement --

Pinangunahan niya ang Pilipinas sa 1954 FIBA World Championship kung saan nagtapos sa pangatlong puwesto ang Pilipinas na siyang pinakamataas na puwesto ng anumang koponan sa Asya.

Siya rin ay two-time Olympian na lumahok noong 1952 at 1956.