MANDALUYONG CITY – Babawi umano ang Philippines bowling team sa finals para masungkit ng bansa ang gold medal.
Nitong araw nagtapos ang round 1 ng tenpin bowling masters na ginanap sa Coronado Lanes, Starmall, Mandaluyong City.
Humahabol sa puntos ang dalawang Pinoy bowlers na sina Merwin Tan na nasa pang limang pwesto at Patrick Nuqui na nasa pang pitong pwesto.
Nangunguna naman sa men’s master si Billy Muhammad Islam ng Indonesia, sumusunod si Ahmad Muaz ng Malaysia at pangatlo si Muhd Jaris Goh ng Singapore.
Panalo si Merwin sa kaniyang magkasunud na laro kaya nakuha niya ang pang limang pwesto.
Puno ng manonood ang bleacher ng Coronado Lanes, todo hiyawan ang mga Pinoy na manonood kapag nakakaiskor ang mga Pilipinong bowlers.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Tan, sinab nito na same moves at strategy pa rin ang kaniyang ginamit.
Hindi raw siya nagpapadala sa pressure at hinahabaan nito ang kaniyang pasensiya sa paglalaro para maging kalmado.
Sa kabilang dako, aminado naman si Nuqui na napi-pressure siya sa laro, lalo at ang kaniyang nakakalaban ay mga magagaling din.
Giit ni Patrick binabalewala niya ang pressure at ang ginagawa ay maglaro lang at pokus sa kaniyag mga galaw.
Positibo naman sina Merwin at Patrick na masungkit ng Pilipinas ang gintong medalya sa bowling championship.
Kaya todo na rin ang paghahanda nila para sa finals sa Linggo.
Sa women’s category naman, nasa pang-11, 12 at 16 na pwesto ang tatlong Pinay bowler na sina Lara Posadas-Wong, Bea Hernandez at Alexis Sy.
Ayon kay Lara, babawi sila sa susunod nilang laban.