-- Advertisements --

CEBU – Arestado ang sikat na Pinoy boxer dahil sa sinasabing pag-molestiya nito sa isang 14 taong gulang na babae.

Kinilala ang suspek na si Albert Pagara, 27 taong gulang at residente sa Barangay Inayawan, lungsod ng Cebu.

Isinalaysay ni PLt. Colonel Wilbert Parilla, ang deputy director ng Cebu City Police Office (CCPO), na nakatulog diumano ang biktima habang nagbabantay sa anak ng suspek at nagising na lang ito nang hinipo ni Pagara ang pribadong parte ng katawan nito.

Aniya, hindi na nakakilos ang biktima dahil sa takot.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nagsumbong ang biktima sa kanyang ina at daling nag-report sa pulisya.

Nabatid na kapatid lang ng live-in partner ni Pagara ang menor de edad na biktima.

Sa ngayon, “no comment” pa ang boksingero sa nasabing alegasyon habang hinihintay pa ang kaso na isasampa sa kampo ng biktima.