-- Advertisements --
Aston Palicte
Aston Palicte/ FB post

Handang-handa sa kaniyang susunod na laban si Aston Palicte.

Nakatakda kasing labanan nito si Kazuto Ioka para sa WBO world super flyweight title sa darating na Hunyo 19 sa Osaka, Japan.

Ito na ang pangalawang beses na lalaban siya sa world title match.

Ang una kasi ay ang laban niya kay Donnie Nietes na nagtapos sa kontrobersyal na split draw.

Mayroong record ito ng 25 panalo, dalawang talo at isang draw na mayroong 25 knockouts.

Habang mayroong 23 panalo, 2 talo at 13 KO si Ioka.