Nakahanda na si dating Tokyo Olympics silver medalist Carlo Paalam na bumalik sa ring, kasama ang hangaring makapag-uwi ng gintong medalya.
Sa isang panayam, sinabi ni Paalam na ginugugul niya ang lahat ng bakanteng oras para paghandaan ang Paris Olympics.
Gintong medalya na aniya ang kanyang target sa pinakamalaking turneyo sa buong mundo at nakahanda umano siyang gawin ang lahat para maabot lamang ito.
Aniya, ang Carlo Paalam na sasabak sa Paris Olympics ay iba sa Carlo Paalam na unang sumabak sa nakalipas na Tokyo Olympics.
Mas tahimik aniya ang matutunghayan ngayon na kanyang bersyon kumpara sa nakalipas na turneyo at nais umano niyang ang kanyang performance ang mismong magpapakita rito.
Noong 2020 ay nag-uwi si Paalam ng silver medal, kasama ang kapwa boksingerong si Nesthy Petecio.
Ang dalawang silver medalist ang silang magsisilbing flag-bearer ng Pilipinas sa Paris Olympics.