-- Advertisements --
Nagwagi si Olympian Pinoy boxer Carlo Paalam kontra kay Mohammad Abu Jajeh ng Jordan sa nagpapatuloy na 19th Asian Games.
Nagtala ito ng 5-0 na unanimous decision na panalo sa 57kg weight class laro na ginanap sa Hangzhou Gymnasium.
Dahil dito ay kasama na niya ang mga kapwa Pinoy boxers na sina Eumir Marcial at Mark Ashley Fajardo na abanse na sa ikalawang round.
Inamin nito na matangkad ang nakalaban kaya hindi nito binago ang kaniyang game plan.
Target nitong magtagumpay sa nasabing torneo para makapaglaro ito sa 2024 Paris Olympics.