-- Advertisements --
Pinatumba ng Pinoy boxer John Riel “Quadro Alas” Casimero ang Mexican boxer na si Cesar Ramirez para sa WBO Interim Bantamweight championship.
Pinayuko ng 29-anyos na boksingero ang Mexican sa ika-11 na round.
Una rito, naging agresibo ang boksingerong tubong Ormoc sa Leyte sa mga unang round pa lamang.
Sa ika-pitong round ay natumba na si Ramirez at sa ika-10 na round ay pinadugo naman ng Pinoy ang ilong ng kalaban.
Tuluyan nang tinapos ni Casimero ang laban pagsapit ng ika-11 na round.