-- Advertisements --

Target ng kampo ng Filipino boxer John Riel Casimero na makalaban si Naoya Inoue sa Hulyo 25.

Ayon kay MP Promotions president Sean Gibbons na kanilang paplantsahin ang ibang mga detalye sa susund na linggo.

Nakatakda sana ang laban ng dalawa noong Abril 25 sa Las Vegas subalit dahil sa coronavirus pandemic ay minabuti na nilang ito ay kanselahin.

Mayroong 29 na panalo at apat na talo si Casimero habang maroong 19 panalo at wala pang talo ang Japanese boxer na si Inoue na siyang may hawak ng WBA at IBF belts.

Paglilinaw ni Gibbons na mahalaga ang magkaroon ng petsa ang laban para alam nila kung gaano kabigat ang kanilang gagawing ensayo.