Tiwala pa rin si Filipino boxer Charly Suarez na makasali ito sa national team na sasabak sa Tokyo Olympics.
Ito ay kahit na naging professional boxer na siya subalit interesado pa rin itong sumabak sa amateur boxing event.
Nakatakda kasing sumali sa World Qualifying Tournament (WQT) ang Asian Games silver medalist at 3-time Southeast Asian Games gold medalist.
Hinihintay lamang niya ang desisyon ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) kung papayagan itong makalahok.
Nakausap na rin aniya si ABAP general secretary Ed Picson at ibinahagi nito ang interest sa pagsabak sa Olympics.
Handa rin ang 31-anyos na boksingero na magpababa ng timbang para sa Olympic feahterweight limit na 57 kgs at lightweight na 63 kg.
Magugunitang lumaban si Suarez noong 2016 Rio Olympics subalit nabigo ito.
Mayroon itong record na apat na panalo at walang talo sa kaniyang professional record.