-- Advertisements --

May napili na si Pinoy boxer Charly Suarez na susunod na makakahaap para makamit ang world boxing title.

Matapos kasi ang technical knockout na panalo niya kay Jorge Castaneda ng US noong Setyembre 20 ay may ilang nakalatag na boksingero kung sino ang makakaharap nito.

Ilan dito ay sina WBO junior featherweight champion Emmanuel Navarrete.

Sinabi ng trainer ng Pinoy boxer na si Delfin Boholst na si Suarez na ang susunod na challenger nito ni Navarrette.

Magkakaroon kasi ng laban si Navarrete sa kapwa Mexicano na si Oscar Valdez sa darating na Disyembre 7 sa Arizona.

Umaasa rin ang 36-anyos na si Suarez na dito sa Pilipinas gawin ang nasabing laban.

Ang Davao del Norte boxer ay mayroong 18 panalo at wala pang talo na mayroong 11 knockouts.