Pinatumba ni Pinoy boxer Dave Apolinario si Tanes Ongjunta sa kanilang eight-round flyweight match sa Tokyo, Japan.
Matapos na matumba ang 25-anyos na Pinoy boxer sa ikatlong round ay agad itong bumangon.
Sinamantala nito ang sugat sa kaliwang kilay ng Thailand boxer na nakuha ng pagkakauntugan nila.
Dahil sa matinding right uppercut ay napatumba si Ongjunta sa ikaapat na round.
Itinigil na ng referee ang laban sa 1:44 na natitirang oras sa fourth round at tinanghal na panalo ang undefeated at dating IBO flyweight Pinoy boxing champion.
Si Apolinario ay mayroong malinis na 20 panalo at wala pang talo na mayroong 14 knockouts ay nananatiling number 1 rated flyweight ng WBA.
Habang si Ongjunta na two-time silver medalist ng Southeast Asian Games ay 12 panalo at 2 talo na mayroong anim na knockouts.