-- Advertisements --

Nabigo ang Pinoy boxer na si Dave Apolinario sa unang major world title fight niya.

Ito ay matapos na pabagsakin siya ng Angel Ayala ng Mexico sa ika-anim na round.

Ginanap ang flyweight fight ng dalawa sa Restaurante Arroyo sa Mexico City.

Sa unang pagkabagsak nito sa ikaanim na round ay nagawa pa niyang bumangon subalit ng maulit ito ay inihinto na ng referee ang laban.

Tiniyak ni Apolinario na hindi ito hihinto sa paglaban sa mga world title at magpapatuloy ang kaniyang ensayo.

Dahil sa panalo ay mayroon ng 18-0 na panalo ang Mexican boxer na mayroong walong knockouts at nakuha ang bakanteng IBF belt.

Habang ang 25-anyos na si Apolinario ay mayroong 20 panalo at isang talo na mayroong 14 knockouts.