-- Advertisements --

Patuloy ang ginagawang ensayo ni Esneth “Hard Hitter” Domingo sa nalalapit na laban nito.

Makakaharap kasi nito sa Mayo 3 sa Tokyo, Japan si Jukiya Iimura para sa Oriental and Pacific Boxing Federation (OPBF) flyweight title.

Ang 26-anyos na Sultan Kudarat native na ngayon ay nakabase sa Cebu ay pamangkin ng kilalang bxoing coach na si Michael Domingo.

Itinuturing na ang laban ng dalawa ay rematch noong 2022.

Sa nasabing laban kasi ay tinalo niya ang Japanese boxer sa pamamagitan ng technical knockout sa loob ng ika-anim na round.