-- Advertisements --

Abanse na sa gold medal match ng men’s 69-75 kgs. event ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam si Olympian boxer Eumir Marcial.

Tinalo kasi nito si Peerapat Yeasungnoen sa score na 5-0.

Mula sa simula ng laro ay talagang ipinakita ni Marcial ang kaniyang lakas.

Inulan niya ng mga suntok ang Thailand boxer hanggang pagdating kalagitnaan ng 2nd round ay napilitan ng magtapon ng puting towel ang corner ni Yeasungnoen.

Tiwala naman ito na makakamit niya ang gold medal laban kay Delio Anzaqeci Raksat ng Timor Leste.

Pinatumba kasi ni Raksat si Hun Kimheang ng Cambodia sa second round kung saan isinakay pa ito sa strecher palabas ng gym.