-- Advertisements --
Nagkasya lamang sa pilak na medalya ang Pinoy boxer na si Eumir Marcial nang magapi ito ng isang Russian fighter sa middleweight final ng 2019 AIBA World Boxing Championships sa Yekaterinburg, Russia.
Nagwagi si Bakshi Gleb, 5-0, kontra kay Marcial, na napatumba makaraang sumalo ng counter left hook sa second round.
Naabot ni Marcial ang gold-medal match nang itumba nito si Kulakhamet Tursynbay ng Kazakhstan nitong Biyernes.
Si Marcial na ang ikatlong Pinoy na nakadagit ng silver sa worlds sunod kina light-flyweights Roel Velasco (1997) at Harry TaƱamor (2007).
Inaasahan namang pangungunahan ni Marcial ang kampanya ng bansa sa boxing sa darating na 2019 Southeast Asian Games.