-- Advertisements --
Eumir Marcial
Eumir Marcial

Pasok na sa finals ng World Boxing Championships si Filipino boxer Eumir Marcial.

Ito ay matapos talunin niya si Trusynbay Kulakhmet ng Kazakhstan sa semifinal rounds na ginanap Ekaterinburg, Russia.

Nagwagi ang Zamboanga native sa pamamagitan ng unanimous decision.

Unang round pa lamang ay pinaulanan na ni Marcial ng mga suntok ang kalaban kung saan napatumba pa niya ito sa unang round.

Susunod na makakaharap nito sa finals ay si Gleb Bakshi ng Russia na tinalo si Herbert Da Conceicao Sousa ng Brazil sa middleweight semifinals.

Si Marcial ay dating world youth champion at two-time Southeast Asian Games gold medalist.

Huling nakakuha ng medalya sa Men’s World Championship ay si Harry Tanamor na nakakuha ng silver noong 2007 sa Chicago.