-- Advertisements --
Pinarangalan sa senado si Olympic boxer Eumir Marcial.
Sa kaniyang sponsorship speech, binigyan pagkilala ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang mga karangalang inihatid ni Marcial sa bansa.
Ayon sa Senador na isang inspirasyon ang boksingero sa mga Pilipino at sa mga kabataan para maabot ang kanilang mga pangarap.
Sa kabuuan kasi ay mayroong record na apat na panalo at wala pang talo na mayroong 2 knockout ang 27-anyos na si Marcial.
Huling laban nito ay noong Pebrero 11 ng mapatumba ang Argentinian boxer na si Ricardo Ruben Villalba sa ika-walong round ng kanilang middleweight fight sa Alamodome, San Antonio, Texas.