-- Advertisements --

Prioridad pa rin ni Filipino boxer Eumir Marcial na makakuha ng gintong medalya sa Olympics.

Kasunod ito ng pormal ng pagiging professional boxer nito sa pagpirma sa MP Promotion ni Manny Pacquiao.

Sinabi ni Marcial, na nagaganap lamang tuwing apat na taon ang Olympics kaya gagawin niya lahat ang kaniyang makakaya para makakuha ng gintong medalya.

Isa kasi si Marcial sa apat na Filipino na lalaban sa 2021 Tokyo Olympics.

Nagpahayag naman ng suporta si MP Promotions chief Sean Gibbons sa nais ni Marcials bago ang paglatag sa mga posibleng malalaking laban nito.