Tinanghal si Filipino boxer Reymart Gaballo bilang bagong Interim WBC bantamweight champion matapos na manalo laban kay Emmanuel Rodriguez ng Puerto Rico.
Sa pamamagitan ng split decision ay idineklarang panalo ang 24-anyos na si Gaballo sa laban ng dalawa na ginanap sa Mohega Sun Arena sa Uncasville, Connecticut.
Nagbigay ang mga judges ng 115-113 at 116-112 na pabor kay Gaballo habang pumabor ang isang judge na si David Sutherland kay Rodriguez na nagbigay ng score na 118-110.
Dahil sa panalo ay mayroon ng malinis na 24 panalo at wala pang talo.
Bagamat kinukuwestyon ni Rodriguez ang hatol ng mga judges ay hinahayaan lamang ito ni Gaballo.
Magugunitang pinalitan ni Gaballo si Nonito Donaire Jr matapos na ito ay magpositibo sa COVID-19 ilang araw bago ang laban.