Abala na ngayon ang dating two-time Olympian boxer na si Harry Tanamor sa bago nitong trabaho matapos na magretiro sa boxing.
Isa na kasing boxing instructor sa Philippine Military Academy (PMA) ang 42-anyos na boksingero.
Mula nang magretiro sa boxing ay isa na itong technical sergeant at isa na ring course director ng physical development st PMA.
Apat na taon na itong naninirahan sa Baguio City nang ito ay kunin ni retired AFP Gen. Alexander Yano na dati ring AFP chief of staff at Col. John Divinagracia na deputy commander ng 101st infantry Brigade na nakabase sa Basilan.
Kasama ng Zamboangueno boxer na nagtuturo sa PMA ang kapwa boksingero rin at retired professional boxer na si Rey “Boom-Boom” Bautista.
Si Tanamor ay naging pambato ng bansa noong 2004 Athens Olympics at 2008 Beijing Olympics.