-- Advertisements --
Pinatumba ni unbeaten Filipino boxer Jade Bornea sa ikatlong round si Mohammed Obaddi a kanilang laban sa Monterrey, Mexico.
Sa simula pa lamang ng laro ay pinaulanan na ng 26-anyos na si Borneo ng suntok sa katawan ng kalaban.
Tumama ang uppercut nito sa ikatlong round hanggang hindi na nakayanan nito ang sakit ikatlong round.
Dahil sa panalo ay mayroon ng 17 panalo at walang talo si Bornea habang mayroong 22 panalo, 2 talo at 13 knockouts naman si Obaddi.
Nakahanay na rin si Bornea na maging challenger sa IBF world super flyweight world title na hawak ng Pinoy boxer na si Jerwin Ancajas noon pang 2016.