-- Advertisements --

Labis ang kasiyahan ngayon ni IBF superflyweight champion Jerwin Ancajas dahil nalampasan niya ang navy SEAL training.

Pahayag pa ng Pinoy boxing champion na noong bata pa ito ay pangarap na niyang maging sundalo at pagsilbihan ang bansa.

Bilang isang navy reservist ay nabigyan na ito ng honorary membership sa Special Operations Group at may hawak ngayon na rangko na Senior Chief Petty Officer.

Hanga ito sa mga nagsasanay sa navy dahil tila ibinubuwis ng mga ito ang kanilang buhay .

Isa rin aniya itong magandang paghahanda sa laban niya kay Jonathan Javier Rodriguez ng Mexico.

Nakatakda kasi sana noong Abril ang laban niya kay Rodriguez subalit ito ay ipinagpaliban dahil sa epekto ng coronavirus pandemic.