-- Advertisements --
Gumaganda na ang kalagayan ni Filipino boxer John Moralde matapos na ito ay dapuan ng COVID-19.
Labis ang kasiyahan nito dahil sa malapit ng matapos ang 14-days quarantine sa Las Vegas, Nevada.
Nagpositibo sa nasabing virus ang 26-anyos na Davao-born fighter ilang araw bago ang laban niya kay Alexis Del Bosque noong Hulyo 16 sa MGM Grand.
Mayroon record itong 23 panalo, 2 talo at 13 knockouts na nagsasanay sa Miami, Florida sa ilalim ni Cuban trainer Moro Fernandez.