Nagtungo sa US si Filipino boxer Jonas Sultan para magsanay at makakuha ng magandang laban.
Ang ranked number 4 sa WBO bantamweight at Zamboanga City native ay makakasama si Jerwin Ancajas sa Los Angeles.
Sinabi ni Zamboanga Valientes team owner Junnie Navarro na matapos ang panalo nito noong Oktubre sa New York ay mas agresibo na siya ngayon para makakuha ng ibang panalo.
Naging malaking inspirasyon niya ang bagong silang na anak.
Magugunitang tinalo ni Sultan si Carlos Caraballo ng Puerto Rico sa 10-round unanimous decision noong Oktubre 30, 2021 sa Madison Square Garden sa New York.
Habang nasa LA ay magiging sparring partner siya ni Ancajas na naghahanda sa laban nito kay Fernando Martinez ng Argentina sa darating na Pebrero 27 sa Las Vegas.
Sa kasalukuyan kasi ay mayroong apat na bantamweight title holders na dalawa sa kanila ay mga Filipino na sina WBC Nonito Donaire at WBO bantamweight Johnriel Casimero.