-- Advertisements --
Nagwagi si Filipino boxer Jonas Sultan matapos na apat na beses na patumbahin si Carlos Caraballo.
Ginanap ang kanilang 10-round bantamweight fight sa New York at nakuha ng 29-anyos na Filipino boxer ang unanimous decision.
Kahit na apat na beses na natumba ang Puerto Rican boxer ay naging palaban ito at umabot pa sa 10 rounds ang laban.
Sinabin ng Zamboanga del Norte boxer na kaniyang pinaghandaan ang nasabing laban.
si Caraballo ay naging malaking hamon para sa pagbabalik sa laban ni Sultan matapos ang pagkatalo nito kay Jerwin Ancajas sa kanilang IBF super-flyweight match noong 2018.
Dahil sa panalo ay mayroon na ito ng 18 panalo at limang talo na mayroong 11 knockouts.