-- Advertisements --
Nabigo si Filipino boxer Giemel Magramo sa kamay ni Junto Nakatani ng Japan sa pamamagitan ng knockout.
Dahil dito ay nakuha ni Nakatani ang bakanteng WBO World flyweight title sa laban na ginanap sa Korakuen Hall sa Tokyo.
Sinamantala ni Nakatani ang kaniyang tangkad kung saan mula sa simula ng laban ay kontrolado nito ang laban.
Inulan nito ng suntok ang Pinoy boxer na nagresulta sa pagkatumba nito sa ikawalong round.
Sinubukan pang tumayo ni Magramo subalit pinigil na ito ni Nobuto Ikehara at itinigil na ang laban.
Mayroong perpektong laban si Nakatani 21-0 habang si Magramo ay mayroong 24 panalo at dalawang talo.