Naghahanda na ngayon si undefeated featherweight boxer Mark Magsayo sa nalalapit nitong laban kay Jose Haro.
Gaganapin ang laban nito sa Setyembre 23 sa Microsoft Theater sa Los Angeles.
Ito rin ang unang laban niya mula ng pumirma sa MP Promotions noong Marso.
Sinabi ni MP Promotions president Sean Gibbons, na posibleng walang mga anumang fans na manonood sa laban dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus.
Huling laban kasi nito ay kay Pany Uthok na ginanap sa Tagbilaran City.
Nitong Hulyo ay tuloy-tuloy na ang ginagawa nitong ensayo sa ilalim ni Freddie Roach sa Wild Card Gym.
Naka-sparring na ng 25-anyos na si Magsayo sina welterweight boxer Viktor Postol, Aram Amirkhanyan at junior featheweight boxer Azat Hovhannisyan.
Mayroon record si Magsayo na 20 panalo, walang talo at 14 knockouts habang si Haro ay mayroong 15 panalo, 1 talo at 8 knockouts.