-- Advertisements --
Nanawagan si Filipino boxer Mark Magsayo sa gobyerno na sana mabuksan na ang ilang mga local gyms kahit na may ipinapatupad na lockdown dahil sa coronavirus pandemic.
Ito ay para mayroong lugar ang mga kagaya niyang atleta na makapagsanay.
Sinabi nito na dahil sa lockdown ay hindi na ito gaanong nakakapag-ensayo.
Bagamata may mga ginagawa itong ilang pagsasanay sa kaniyang bahay subalit sinabi nito na iba pa rin ang ginagawang pagsasanay sa loob ng boxing gym.
Dagdag pa nito na ang mga fitness industry ay nagsusulong ng healthy lifestyles.