-- Advertisements --

Handa ng sumabak si Filipino boxing star Mark Magsayo para sa pagbabalik boxing ring.

Inatasan kasi siya ng World Boxing Council (WBC) na labanan si Eduardo Hernandez ng Mexico para sa super featherweight elimination fight.

Sinulatan na ng WBC ang mga promoter ng dalawang boksingero para sa nasabing laban.

Binigyan sila ng WBC na magdesisyon ng hanggang Abril 25, 2025 para sa termino ng kontrata.

Mula kasi ng umakyat ng timbang si Magsayo noong nakaraang dalawang taon ay naging matagumpay na ang mga laban nito kina Isaac Avelar, Eduardo Ramirez at Bryan Mercado.

Si Magsayo ay dating featherweight champion matapos na talunin si Gary Russell Jr.

Subalit mabilis nitong nawala ang titulo ng talunin siya sa kaniyang pagdepensa laban kay Rey Vargas.

Mayroong 27 panalo , dalawang talo na may 18 knockouts ang record ni Magsayo.