-- Advertisements --

Matindi na ang ginagawang paghahanda ni undefeated Filipino featherweight champion Mark Magsayo sa paghaharap niya kay WBC champion Gary Russel Jr.

Nakatakda kasi ang paghaharap ng dalawa sa Enero 22 sa Atlantic City.

Sinabi nito na matagal na niyang hinihintay na dumating ang laban.

Tiniyak nito na kaniyang gagawin ang lahat ng makakaya para mapatumb ang American boxer.

Ang Tagbilaran City boxer ay dalawang taon ng naninirahan sa US kasama ang asawa para makahanap ng mga mas magandang laban.

Kasalukuyan itong nagsasanay sa ilalim ng beteranong coach na si Freddie Roach.

Nakakuha ito ng magandang break ng mapatumba si Julio Ceja ng Mexico noong nakaraang taon.