GENERAL SANTOS CITY – Maaaring isang linggo na lamang ang pananatili ni Filipino boxing champion Marlon Tapales sa Baguio City para sa training sa super bantamweight title unification fight laban kay Naoya Inoue sa darating na Disyembre 26.
Sinabi ng kaniyang head coach na si Ernel Fontanilla na ang ilang linggo na natitira bago ang laban ay ilalaan pa rin sa sparring sessions kay Vincent Astrolbio, Pete Apolinar at Kevin Aseniero.
Pagtitiyak nito, nasa kondisyon at handa na si Tapales sa laban.
Sa December 19 naman ang biyahe nila patungong Japan.
Muling iginiit na kahit underdog sila ay gagawin pa rin ang lahat para manalo kontra sa Japanese boxing champion.
Inamin na malaking hamon kay Tapales ang laban kay Inoue.
Nanawagan naman si Fontanilla ng suporta at dasal ng lahat para kay Tapales sa laban nito sa Disyembre 26 sa Tokyo, Japan.