-- Advertisements --

Tiniyak ni World Boxing Council (WBC) minimumweight champion, Melvin “Gringo” Jerusalem na magiging mainit ang paghaharap nila ng challenger na si Luis “Fiechita” Castillo sa araw ng Linggo para sa WBC title.

Si Castillo na isang undefeated number 1 contender ni Jerusalem ay mayroong record na 21 panalo kabilang ang 13 knockouts.

Bagamat bisita lamang ay naniniwala itong kaya niyang tanggalan ng titulo si Jerusalem sa sariling bansa.

Giit nito na kaniyang pinaghandaan ang laban dahil isa itong malaking oportunidad.

Habang si Jerusalem ay mayroong 23 panalo tatlong talo at 12 knockouts kung saan ito ang unang pagkakataon na maidepensa niya ang korona sa sarilng bansa.

Nais ng Pinoy boxer na matanggal ang alaala sa pagkatalo nito kay Oscar Collazo ng Puerto Rico sa WBO world minimumweight title.