-- Advertisements --

Matapos ang matagumpay na pagdepensa ng kaniyang WBC minimumweight belt ni Melvin Jerusalem laban kay undefeated Mexican challenger Luis Castillo dito sa bansa ay may ilang nakalinyang laban na ito.

Sinabi ng kaniyang promoter na si JC Manangquil na interesado ang Japanese boxer na si Yudai Shigeoka.

Dagdag pa nito na mayroon na silang ginagawang pag-uusap ukol sa nasabing laban.

Subalit mas nais ni Mananquil ang pagkakaroon ni Jerusalem ng unification showdown sa 34-anyos na Thailand boxer na si Thammanoon Niyomtrong.

Ang Thai boxer ay tinaguriang longest-reignign minimumweight champion sa kasaysayan kung saan hawak niya ang trono ng WBA mula pa noong 2016.