Pinatikim ni Pinoy boxer Melvin Jerusalem ang unang talo sa Mexican challenger Luis Angel Castillo para mapanatili nito ang kaniyang WBC minimumweight title belt na ginanap sa lungsod ng Mandaluyong.
Nakuha ng 30-anyos na boksingero mula sa Bukidnon ang unanimous decision sa score na 118-109, 120-107 at 120-107.
Sa unang round ay inulan agad ni Jerusalem ang kalaban at kaniya itong napatumba.
Sinabi nito na kaniyang pinilit na i-knock out ang Mexican boxer subalit naging matibay ito.
Itinuturing ni Jerusalem na isang hindi makakalimutang laban dahil sa matagumpay na pagdepensa ng kaniyang titulo sa sariling bansa.
Unang hawak ni Jerusalem ang WBO 105- pound titile ng patumbahin si Masataka Taniguchi Japan noong Enero ng nakaraang taon subalit ito ay kaniyang nabitiwan matapos ang apat na buwan laban kay Oscar Collazo ng Puerto Rico.
Mayroon ng 21 panalo ,isang talo at isang draw si Castillo habang si Jerusalem mayroong 23 panalo at tatlong talo na mayroong 12 knockouts.