-- Advertisements --
Nagwagi si Pinoy boxer Melvin Jerusalem laban kay former world champion Yudai Shigeoka sa pamamagitan ng 12-round split decision para makamit ang WBC World minimumweight title.
Dahil dito ay tinapos na ng 30-anyos na si Jerusalem ang kawalan ng Pilipinas ng world title sa boxing.
Noong 2023 din ay naging ung Pinoy boxing world champion din si Jerusalem ng talunin si Masataka Taniguchi sa second-round technical knockout.
Ipinamalas ni Jerusalem ang kaniyang malakas na suntok ng kanang kamay kung saan dalawang beses pa niyang pinabagsak ang kalaban.
Mayroon ng record na 22 panalo, tatlong talo at 12 knockouts na si Jerusalem habang si Shigeoka ay nalasap ang unang talo na mayroong walong panalo at isang talo na may limang knockouts.