-- Advertisements --

Pangarap ni Filipino bantamwieght boxer Raymart Gaballo na maabot ang tagumpay ng ilang mga sikat na boksingero sa bansa.

Sinabi ng 24-anyos na boksingero mula sa Polomolok , South Cotabato na kaniyang hinahangaan sina Nonito Donaire Jr at John Reil Casimero at maging si Naoya Inoue ng Japan.

Dagdag pa nito na maraming mga magagandang bantamweight boxers at nais niya na makilala siya sa nasabing laranga.

Nakatakdang labanan nito si Emmanuel Rodriguez ng Puerto Rico sa darating na Linggo na gaganapin sa Mohegan Sun Arena sa Uncasville, Connecticut.