-- Advertisements --
Nagwakas na ang Paris Olympic dreams ni Pinoy boxer Rogen Ladon matapos na ito ay mabigo sa World Olympic Qualification Tournament sa Bangkok, Thailand.
Tinalo kasi siya ni Rafael Lozano ng Spain sa score na 4-1 sa men’s 51 kgs.
Isinakripisyo kasi nito ang kaniyang weight division at nagpalista ito sa mas magaan na division.
Ang 30-anyos na Bago, Negros Occidental native ay nagpataas ng timbang bago ang Olympic Qualifiers para magbigay daan kay Tokyo Olympic silver medalist na si Carlo Paalam.