Pinatumba ni Pinoy boxer Froilan Saludar sa loob lamang ng unang round si Keita Kurihara ng Japan.
Dahil sa panalo ay nakamit ni Saludar ang Oriental at Pacific Boxing Federation bantamweight champion belt sa laban na ginanap sa Ariake Arena sa Japan.
Sa pagsisimula ng laban ay agad na pinaulanan ni Saludar ng kumbinasyon ng mga suntok ang WBC no.3 bantamweight boxer.
Sa loob ng ilang minuto ng tatlong beses ng natumba ang Japanese boxer kaya agad na pinahinto ng referee ang laban.
Hindi naman makapaniwala ang 34-anyos na Cotabato del Sur native na si Saludar sa naging performance niya.
Mayroon ng siyang record na 34 panalo pitong talo at isang draw na mayroong 24 knockouts habang si Kurihara ay mayroong 17 panalo, walong talo at isang draw na mayroong 15 KO.