Tinanghal bilang bagong WBA Asia South Flyweight Champion ang Pinoy boxer na si Vince Paras matapos nitong talunin via unanimous decision si Roberto Paradero. Nagbigay ng scores ang mga Judges ng 117-109, 116-110 at 115-111 na lahat ay pabor kay Paras. Pinataob din nito ang kanyang kalaban ng dalawang beses sa ikatlong round.
Sa exclusive interview ng Star FM Baguio sa 24-year-old Pinoy boxer na tubong General Santos City, ibinahagi nito kung ano ang kanyang plano matapos ang matagumpay na laban at kung anong belt at sinong boksingero ang kanyang gustong makaharap sa loob ng ring.
“Ang dream ko talaga na belt ay WBC. Ang gustong kong makalaban ay ang Mexicano na si Julio Cesar Martinez, basta pareho lang ang timbang, walang problema” .
Sa kasalukuyan, si Paras ay meron ng 18 panalo, 15 knockouts, 2 talo at 1 draw sa kanyang professional boxing career.
Matatandaan na ang Paras-Paradero fight ay nagsilbing rematch kung saan nauwi sa draw ang kanilang unang laban noong Abril ng kasalukuyang taon na ginanap sa Gen San.