-- Advertisements --
Matutunghayan na ngayong araw ng Miyerkules ang boxing match ni Cagay-anon boxer Carlo Paalam laban kay Khamsathone Nang ng bansang Lao.
Magaganap ang kanyang laban sa PICC sa lungsod ng Pasay sa kanyang 49 kgs light flyweight match.
Sinabi ni Carlo sa Bombo Radyo, nasa 100 porsyentong handa ang kanyang katawan at nag-reduce ito ng timbang upang makuha ang 49 kgs desired weight para sa kanyang match.
Pagkatapos ni Carlo dalawang babaeng boxers pa na sina Josie Gabuco ay lalaban kay Raksat Nang Tha para sa 46 kgs at Aira Villegas kontra naman Vongpachan ng bansang Lao sa 48 kgs. (Story by Bombo Donnie Degala)