-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Tagumpay ang pagbabalik sa loob ng boxing ring ng isa sa mga sikat na boxing coach/trainer ng Highland Boxing Promotions a naka-base sa La Trinidad, Benguet.

Ito ay matapos talunin ng 47-anyos na si Joven Jorda ang mas batang Thai boxer na si Sauen Tsana sa pamamagitan ng unanimous decision sa kanilang 6-rounds fight sa Bangkok, Thailand nitong Sabado, December 19.

Sa panayam ng Bombo Radyo Baguio, ibinahagi ng tubong Leyte na tinanggap niya ang alok na laban sa kanya dahil nananatili pa rin ang kanyang passion na lumaban sa loon ng boxing ring.

Ito ang comeback fight ni Jorda pagkatapos ng higit 12 taon mula ng magretiro sa boksing kasunod ng pagkatalo niya sa huli niyang laban sa Japan noong October 2009 mula sa kamay ni Hayato Kimura.

Sa ngayon, hawak ni Jorda ang record na 18 wins na may 15 knockouts, 26 losses at 4 draws.

Dinagdag pa ni Jorda na ipagpapatuloy niya ang kanyang pagbabalik sa mundo ng boksing.

Naka-base ngayon sa Thailand si Jorda kung saan siya na ang ‘oldest boxer’ ng Pilipinas.