BAGUIO CITY – Hindi halos makapaniwala ang isang overseas Filipino worker (OFW) sa nangyaring stampede sa kasagsagan ng selebrasyon ng Lag BaOmer Festival sa Mount Meron sa hilagang bahagi ng Israel na ikinasawi ng 45 na indibidwal, kabilang ang mga bata, at ikinasugat ng 150 na iba pa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Baguio kay Geoffrey Olayan, isang caregiver sa Israel, ibinahagi niya na sa loob ng 15 taon niyang paninirahan sa naturang bansa ay ngayon lamang siya nakakita ng trahedya kung saan ito na ang pinakamalalang civilian disaster sa kasaysayan ng Israel.
Aniya, hindi inakala ng mga organizers ng festival na aabot sa 10,000 ang dadalo sa pagtitipon makaraang nalimitahan ang mga gathering bunsod ng pandemya kahit na umano nakakaluwag sila ngayon mula sa mga restrictions.
Ani pa ng tubong Baguio City na Pinoy worker, posibleng may false alarm sa nangyari dahil kadalasan pinag-iingat sila ng gobyerno na mag-ingat sa banta ng mga bomba na posibleng sumabog sa iba’t ibang lugar doon.
Gayunman, pinapahalagahan ng mga Israelis ang agarang aksiyon ng gobyerno sa pagresponde sa insidente bunsod ng on the spot na pagkilala sa mga nasawing biktima at mabilisang paghatid sa mga nasugatan sa ospital.
Sinabi pa ni Olayan na kadalasang isinasagawa ang bone-firing sa festival sa pamamagitan ng mga bata habang ang mga adults naman ay sumasayaw bilang tanda ng kanilang kasiyahan sa nasabing pagitipon.
Batay na rin sa impormasyon, ito na ang pinakamalaking pagtitopon sa Israel mula nang idineklara ang global pandemic sa COVID-19 infections.