Feeling honored ang tubong Quezon Province na si Llord Maynard Llera o mas kilala bilang “Kuya Llord” matapos siyang itanghal bilang California’s Best Chef sa katatapos lang na 2024 James Beard Awards na ginanap sa Chicago, USA.
Kadalasang Southern Luzon cuisine ang hinahain ng Best Chef Awardee kasama na ang kanyang Lucban Longganisa, Pancit Chami, Pancit Habhab at ang signature dish nitong Lucenachon.
Sa kanyang acceptance speech, lubos ang naging pasasalamat ni Chef Llord sa James Beard Foundation na nagbibigay parangal sa mga nasa food industry sa Estados Unidos.
“First all, I want to thank the James Beard Foundation for me being here and winning this award, and I want to thank my wife. Without her, Kuya Llord won’t be here now. Being one of the finalists is just surreal. I am fortunate enough to have mentors, friends, and family all throughout this journey. Maraming salamat po!”
Sa exclusive interview naman ng Star FM Manila sa Pinoy Chef, masaya umano ito na maipagmalaki ang mga luto at kulturang Pinoy sa ibang bansa. Ibinahagi niya rin naman ang kaniyang inspirasyon sa likod ng kanyang pagluluto.
“My inspiration about cooking is ‘yung childhood memories. Kumbaga I like to cook for my friends, and my family back in the day noong bata pa ‘ko. Kasi iyon ‘yung culture natin. We always eat together.”
May mensahe naman ang James Beard Awardee sa mga aspiring chef.
“Follow your dream. Make a goal. Work hard, be patient and always be humble.”.