-- Advertisements --

Umarangkada ang 35-year old FIDE Master na si Ellan Asuela matapos maging kampeon sa nakaraang Kasparov Chess Foundation Asia-Pacific (KCFAP) Absolute Challenge sa Singapore.

Nakalaro niya ang mga International Masters at kapwa FIDE masters na galing sa iba’t-ibang bansa tulad ng Singapore, Indonesia, at India.

Sa exclusive interview ng Star FM Baguio sa Filipino Chess FIDE Master, sinabi nito na balak niyang mas umangat sa rango at makamit ang titulong International Master.

“Siyempre, sobrang saya dahil I came up on top. Sa ngayon, international master muna [ang gusto kong makamit] kasi kailangan ng one-month campaign sa abroad. Lahat ng chess player, nag-aaspire na maging grandmaster, pero ang kaya lang muna na ma-reach [ang abutin natin], kaya step by step tayo.”

May mensahe rin ito para sa mga gustong sumabak sa mundo ng chess.

“Kailangan niyo ng determination, dedication, at discipline, kasi hindi siya physical sport and kailangan niyo ng legit na training talaga.”

Sunod na paghahandaan ni Asuela ang 2023 Chess Festival sa Singapore na gaganapin sa Hunyo ngayong taon.