-- Advertisements --
Sander Severino
Sander Severino

Nagtala ng kasaysaysan sa chess si Filipino FIDE master Sander Severino ng maging kauna-unahang world champion in chess.

Ito ay matapos na talunin nito si Igor Yarmonov ng Ukraine para makuha ang International Physically Disabled Chess Association (IPCA) Online World Championship.

Sinabi nito na ang nasabing panalo ay magbibigay ng inspirasyon sa mga atletang may kapansanan.

Noong nakaraang buwan pa lamang ay pumangalawa ang Silay, Negros Occidental native sa FIDE online Championship for Players with Disabilities.

Noong Asian at ASEAN Paragames ay nagkamit din ng maraming gold medals si Severino.