-- Advertisements --

Nagtapos sa pangalawang puwesto si Filipino chess master Sander Severino sa FIDE online championships for Players with Disabilities (PWDs).

Ito ay dahil sa naging matinding paghaharap niya kay Polish Grandmaster Marcin Tazbir sa apat na rounds.

Nakalusot pa si Tazbir sa ikalawang tiebreak sa 10.5.

Sinabi nito na mahirap ang mangarap na maging world champion kaya gumagawa ito ng paraan at ipinapaubaya na nito sa Panginoon.

Noong 2018 Asian Paragames ay nakakuha ito ng apat na gold medals sa individual at team competitions.

Nasa walong taong gulang pa lamang ito ng ma-diagnosed siya ng muscle dystrophy kaya ito ay nakasakay na sa wheelchair.