-- Advertisements --

Pinoy circus performer, bagong nagpabilib sa ‘AGT’ judges

Isa pang Pinoy ang pasok sa susunod na round ng nagbabalik na America’s Got Talent (AGT).

Ito ay si Ehrlich Ocampo na isang circus performer.

Sa introduction pa lamang ng audition, ibinida niya na siya ay mula sa PIlipinas at siyam na araw pa lang ang nakalipas mula nang dumating sa Amerika.

Hindi naman ito nabigo kung saan nakatanggap ito ng mailap na standing ovation at apat na “yes votes” mula sa lahat ng hurado sa nasabing kompetisyon.

Hindi kanta o sayaw ang nagpabilib sa mga AGT judges, kundi ang pambihirang leviwand performance.

Ang nasabing talento ay yaong paglaro ng performer sa tila lumulutang na bagay, at sa bersyon ng Pinoy na si Ehrlich, gumamit ito ng baton at hula hoop.

Nagkakaisa sina Heidi Klum, Sofia Vergara, Howie Mandel at ang prangkang si Simon Cowell, sa paglalarawan na “flawless,” “very unique,” at “well done” ang ipinakita ng Pinoy contestant.

Vergara: “That was so much fun, beautiful. It was flawless. That was very special and it was different from anything I’ve ever seen.”

Mandel: “That is an art form that I don’t think we’ve seen and I’ve been here for a long time. That was beautiful. I love it, thank you for being here.”

Klum: “You are mesmerizing to watch because we kind of wonder how you do it. And you move so beautifully and elegant.”

Cowell: “I think the fact that you’ve got the guts to do what you’ve done means in life, you’re gonna do amazing. All the hours that went into this paid off. Fantastic. Well done!”

Noong nakaraang buwan lang nang isang 10-anyos na Filipino contestant naman na isinilang sa Abu Dhabi ang nagpa-wow sa mga judge.

Ito ay si Peter Rosalita na bumirit sa kanyang rendisyon sa “All By Myself” ng Canadian diva na si Celine Dion.