-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Kinukulang na ng budget ang Filipino community sa Lebanon na siyang kasalukoyang sumusuporta sa mga kababayang Pinoy na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 Pandemic at hindi naka tanggap ng cash aid mula sa Philippine government.

Sa ulat ni Star FM Bacolod international correspondent Remelyn Rolan, sinabi niyang may mga valid documents lang ang nabigyan ng tig-$200 na hindi rin magkakasya sa mga susunod na buwan para sa mga walang trabaho.

Marami din aniya ang nagkakasakit na mga Pilipino doon ngunit hindi konektado sa Covid-19 ang inuuna nilang tulungan kaya hindi na lahat mabigyan tulong pinansiyal mula sa kanilang inambag-ambag ding pera.

Dagdag pa ni Rolan, hirap sila ngayon lumapit sa Philippine Embassy kung saan nag iba ang pakikitungo sa mga Pilipino kasunod ng pagpanaw ni dating PH Ambassador to Lebanon Bernardita Catalla dahil sa COVID-19.