Kinumpirma ng mga otoridad sa Japan na 10 sa mga pasaherong sakay ng Diamond Princess cruise ship ang nag positibo sa sakit na Novel coronavirus.
Kasalukuyang nakadaong ang nasabing barko sa Yokohama bay upang sumailalim sa 14 days quarantine.
Base sa inilabas na impormasyon, isang Amerikano, dalawang Australian, tatlong Japaneses, tatlo ang mula sa Hong Kong habang isang Pinoy crew member naman ang positibo rin sa naturang sakit.
Tinatayang nasa 428 American nationals ang sakay ng Diamond Princess cruise ship na kasalukuyang naka-quarantine sa Yokohama port sa Japan.
Sinisigurado naman ng U.S. Embassy na ligtas at nasa maayos na kalagayan ang mga Amerikano.
Patuloy rin umano na makikipag-uganayan ang Estados Unidos sa mga otoridad at ibibigay ang mga kinakailangang consular assistance ng American tourists na sakay ng naturang barko.
Kinumpirma naman ng Japan health ministry na 10 sa mga naka-quarantine ay may Wuhan coronavirus na kaagad namang dinala sa ospital para imonitor.
Batay sa karagdagang impormasyon, isang dating pasahero ng cruise ship ang nakumpirma na may sakit ngunit stable na ang kondisyon nito sa Hong Kong.
May lulan na 2,666 pasahero at 1,045 crew members ang nasabing cruise ship.